Mga Pinoy na magtatrabaho sa China pinag-iingat sa bagong modus doon

0
63

Binalaan ng Philippine Employment Administration o POEA ang mga nagbabalak magtrabaho sa China laban sa bagong modus na tinatawag na marriage-for-job.

Kasunod ito ng ulat mula sa Department of Foreign Affairs o DFA hinggil sa limang (5) Pinay na stranded sa Tongxu, China at humingi ng tulong sa pamahalaan matapos naman lokohin at pangakuan ng trabaho kapalit ng kasal sa mga Tsino.

Ayon sa POEA, mula Urbiztondo Pangasinan ang nasabing mga Filipina na ni-recruit umano ng dalawang Chinese na nagpakilalang sina Song Gang at Li Chunrong alyas Steven Lee.

Isa sa mga Pinay ang ikinasal sa Chinese na kinilalang si Wei Qi Lai kung saan nangako pa itong magbibigay ng 140,000 dowry sa pamilya ng Filipino pero nabigong ibigay ito ng buo.

Nang bumiyahe na patungong China ang mga nasabing Pinay kasama ang iba pang ni-recruit, hindi pinayagan ang mga ito ng kanilang napangasawa ng makapaghanap ng trabaho sa China at hindi rin nabibigyan ng suportang pinansyal.

Isang Pinay din umano ang napaulat na binubugbog at inaabuso ng kanyang napangasawang Tsino.

—-