Sen. Villar walang planong tumakbo bilang pangulo

0
55

Nilinaw ni re-elected Sen. Cynthia Villar na wala siyang planong tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2022.

Ito ang naging pahayag ni Villar kaugnay ng usap-usapan na tatakbo siya sa pagkapangulo matapos niyang manguna sa senatorial race nitong midterm elections.

Aniya, naniniwala siya na kapalaran ang pagiging pangulo ng bansa.

Kasabay nito, sinabi rin ni Villar na wala siyang balak na maging Senate President dahil nais niyang bigyan ng atensiyon ang pinamumunuan niyang komite sa senado, gaya ng Committee on Agriculture.