NCRPO kumpiyansang posibleng magamit sa imbestigasyon ang mga pahayag ni Bikoy

0
45

Kumpiyansa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na posibleng magamit sa imbestigasyon ang mga pahayag ni Peter Advincula, o alyas “Bikoy”.

Ito, ayon kay NCRPO Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, kaugnay ng pabago-bagong pahayag ni Advincula hinggil sa “ang totoong” narco-list videos.

Ayon kay Eleazar, maaring pa rin namang may mapulot sa mga naging pahayag ni Advincula.

Aniya, posible itong maging daan upang matukoy kung sino ang totoong nasa likod ng pagkalat ng serye ng video, at ang totoong dahilan ng paglantad ni Advincula sa publiko.

Samantala, dinipensahan rin naman ni Eleazar ang pagpayag ng PNP na mag-sagawa si Advincula ng press conference sa Camp Crame.

Paliwanag nito, nais lamang ng mga otoridad na malaman ang kung sino ang tunay na nasa likod ng naturang isyu.