KathNiel nagdiwang ng kanilang 7th anniversary bilang magkasintahan

0
43

“There’s no formula in true love”.

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang nila ni Daniel Padilla ng kanilang ika-pitong (7) anibersaryo bilang magkasintahan.

Ayon kay Kathryn, madalas siyang natatanong kung paano naging matatag ang kanilang relasyon ni Daniel.

Anya, walang sikreto sa matatag at matagal na relasyon kundi sadyang pinili lang nila na mahalin ang isa’t-isa sa kabila ng kanilang pagkaka-iba at pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.

View this post on Instagram

Taking this as an excuse to be extra cheesy today! Swipe left!

A post shared by Kathryn Bernardo (@bernardokath) on

Kasabay nito, pinasalamatan naman ni Kathryn si Daniel sa walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa kaniya.

Samantala, ibinahagi rin naman ng aktres na kasalukuyan silang nasa Morocco ni Daniel upang i-celebrate ang kanilang anniversary.