Pangulong Duterte buo parin ang tiwala kay Briones sa kabila ng umano’y anomalya sa DepEd

0
41

Buo pa rin ang tiwala ni pangulong rodrigo duterte kay DepEd Sec. Leonor Briones sa kabila ng umano’y anomalya sa kagawaran ng edukasyon.

Ito mismo ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos kuwestiyunin ng COA o Commission On Audit ang mali-maling Text Books ng DEPED na para sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Panelo, kumpiyansa ang Malacañang na hindi hahayaan ni Briones na malugmok sa katiwalian ang DepEd.

Aniya, nakasisiguro siya na kikilos si Briones upang maituwid ang naturang kapalpakan na kinasasangkutan ng DepEd.

Una rito, batay sa tala ng COA aabot sa 254 million pesos ang halaga ng mga libro na may mga maling impormasiyon.

Samantala, tiniyak naman ng DepEd na makikipag tulungan sila sa iba’t-ibang sektor ng pamahalaan upang maging maayos ang laman ng mga naturang aklat at magamit na ito sa mga pampublikong paaralan.