MMC tinanggap ang paghingi ng kapatawaran ni Pimentel kaugnay sa paglabag sa quarantine protocol

MMC tinanggap ang paghingi ng kapatawaran ni Pimentel kaugnay sa paglabag sa quarantine protocol

by Powered by DWIZ
21 views

Tinanggap ng Makati Medical Center (MMC) ang paghingi ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel ng kapatawaran matapos nitong labagin ang quarantine protocols, at ilagay sa alanganin ang buhay ng mga health workers sa ospital.

Sa opisyal na pahayag ng MMC,  sinabi ni MMC Medical Director  Saturnino Javier na tinatanggap nila ang pag-hingi ng senador ng kapatawaran sa kaniyang naging kapabayaan.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Javier si Health Sec. Francisco Duque III para sa naging pag-amin ng kalihim na talagang lumabag si Pimentel sa quarantine protocols.

Sa naturang pahayag, taos-puso ring pinasalamatan ng MMC ang aniya’y pag-buhos ng suporta para sa mga frontliners sa nasabing ospital.

Sa ngayon, nasa 22 staff ng MMC ang isinailalim sa quarantine matapos na ma-expose kay pimentel na positbo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

0 comment

Related Posts