Thursday, May 2, 2024

Sen. Dela Rosa dumipensa sa naging pahayag kahapon sa Senado na batikos ng mga netizens

- Advertisement -

Dumipensa si Sen. Ronald Bato Dela Rosa hinggil sa kumalat na video clip kung saan sinabi niyang “Sarap ng buhay! Sarap ng buhay! Ganito na lang tayo palagi ah!”, sa pagtatapos ng hybrid senate session kahapon.

Ayon sa Senador, kaya lamang niya ito nasabi ay dahil mas mabilis ang talakayan ng mga panukalang batas kapag naka “webex”.

Mas maaga rin aniyang natatapos ang kanilang session kaya sa tingin umano niya ay mas efficient ito basta maganda lang umano ang wifi signal ng attendees.

Nag-shift ang senado sa hybrid sessions kung saan ang ilang senador ay physically na session hall sa Pasay City habang ang iba ay virtually present naman upang maipagpatuloy ang trabaho sa gitna ng banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img