Friday, May 17, 2024

Pagdating ng mga tauhan ng PNP na nagmula Luzon na dumaong sa Batanes ikinabahala

- Advertisement -

Ikinabahala ng pamahalaang lokal ng probinsya ng Batanes ang biglaang pagdating ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Dumaong kasi sa Batanes kahapon ng umaga ang isang navy ship na lulan ang nasa 15 PNP personnel mula sa Port Irene sa Cagayan.

Kasama rin dito ang panibagong OIC Provincial Director ng PNP sa probinsya ng Batanes na si PCol. Ismael Atluna.

Nangamba umano ang COVID-19 provincial task force ng Batanes dahil galing sa mainland Luzon ang naturang mga PNP personnel.

Nais lamang umano nilang tiyakin at panatilihing COVID-19 free ang probinsya.

Dahil dito nagsagawa ng emergency meeting ang task force kasama ang mga kinatawan ng PNP para pag-usapan ang isasagawang protocols pagdating ng barko.

Ngunit nang dumaong ang barko ay agad umanong ibinaba ang mga pulis at dinala sa PNP headquarters taliwas sa napagkasunduang protocol na hihintayin ang task group.

Titingnan muna sana ang mga dokumento ng mga ito at temperatura bago makababa ng barko.

Nagkasundo na lamang umano na isailalim muna sa 14 day quarantine ang mga PNP personnel kung saan walo sa mga ito ay nasa quarantine facility habang ang pito ay nasa PNP headquarters.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -