35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Sen. Bong Revilla papalawigin pa ang self-quarantine matapos mamatay ang isang tauhan nito dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Papalawigin pa ang quarantine ni Senator Bong Revilla, kasunod ng pagpanaw ng isa sa kanyang staff dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong linggo ng gabi.

Tapos na kasi dapat ang quarantine period ng Senador matapos na magnegatibo ito sa naturang virus.

Ayon kay Revilla, bagamat kailangan pa niyang i-monitor ang kanyang sarili, sinabi naman nito na wala syang nararamdamang sintomas na maaaring makasama sakanyang kalusugan.

Samantala, tiniyak rin ng Senador na nasa mabuting kalagayan rin ang kanyang asawa na si Bacooor City Mayor Lani Mercado na naka self-quarantine din matapos na ma-exposed sa isang positibo sa COVID-19 sa Cavite.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -