33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

2 tauhan sa Mandaluyong City Hall nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Pansamantalang naantala ang repacking at distribusyon ng mga food packs sa Mandaluyong City.

Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang tauhan ng alkalde sa lungsod.

Dahil dito, kinailangan i-disinfect ang Mandaluyong City Hall at ilan pang mga lugar na pinuntahan ng dalawang staff.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, bagamat nagkaroon siya ng exposure sa dalawa niyang kasamahan ay hindi na ito nagpa-swab test gayung wala naman itong nararamdaman.

Aminado naman ang alkalde na bukod sa repacking, apektado ang kanilang mga operasyon sa lungsod dahil naka-quarantine din ang ilan sakanyang opisyal at staff.

Sa ngayon, pumalo na sa 44 ang bilang ng kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Mandaluyong, habang siyam naman ang naitalang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -