Mga magsasaka umaaray sa pahirapang pagbyahe ng mga agricultural products sa Luzon

0
10

Umaaray na ang mga magsasaka mula sa bayan ng Kalayaan, Laguna sa pahirapang pagbiyahe ng kanilang mga gulay sa Calabarzon at Metro Manila dahil sa umiiral na lockdown sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dinadaing ng mga magsasaka na kahit may food pass sila mula sa Department of Agriculture (DA) ay hindi ito kinikilala ng ilang munisipalidad.

Dahil dito, tila napipikon narin si Kalayaan Mayor Sandy Laganapan sa umano’y hindi pagsunod ng ibang Alkalde sa patakaran ng gobyerno na i-exempt ang paghahatid ng mga agricultural products sa mga lugar na naka-lockdown.

Samantala, binigyan linaw rin ni Laguna Governor Ramil Hernandez na alam dapat ng mga alkalde at mga hepe ng pulis na dapat paraanin ang mga truck na naghahatid ng mga agricultural products sa mga lugar na naka-lockdown.