Saturday, May 18, 2024

Sen. Angara nakarecover na sa COVID-19

- Advertisement -

Magaling na at u-ubra nang makauwi ng bahay si Senador Juan Edgardo Sonny Angara.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Angara na may go signal na siya mula sa kaniyang mga doktor na makauwi na matapos mag negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at magamot sa kaniyang pneumonia.

Nagpaabot ng pasasalamat si Angara sa mga doktor at nurse na ang asikaso sa kaniya at sa lahat ng mga nanalangin para sa kaniyang paggaling.

Natutuwa si Angara dahil makakauwi na siya at maipagdiriwang na nila ang kaarawan ng anak na lalaki ngayong weekend.

Kasabay nito, ipinaabot ni Angara ang paghanga sa mga frontliner na nagsasakripisyo at hindi na umuuwi sa kanilang mga bahay para bantayan ang mga pasyente —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -