‘Selective quarantine’ posibleng ipatupad —Galvez

0
26

Posible umanong maging “selective quarantine” na lamang ang ipatutupad kung magiging epektibo sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Action Plan on COVID-19 dahil umano sa pagtaas ng bilang ng mga nakakarecover sa sakit.

Ayon kay Galvez, maaaring magkaroon ng selective quarantine kung magiging tuloy-tuloy at maayos ang pagsunod sa pinalawig pang ECQ.

Una rito, hinimok ang pamahalaan na ikunsidera ang barangay level quarantine para magpatuloy ang operayon ng produksyon, konstruksyon at agrikultura.