Zubiri nagnegatibo na sa COVID-19

0
25

Nasa mabuti nang kondisyon si Senador Juan Miguel Zubiri matapos magpositibo sa unang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test nito.

Sa Facebook post ng senador, sinabi nito na natanggap na niya ang pinakamasayang balita na kaniyang hinihintay at ito nga ay nagnegatibo na siya sa kanilang ikalawang COVID-19 test.

Kasabay nito, nagpasalamat sa Diyos si Zubiri para sa paggaling mula sa sakit.

Si Zubiri ang ikalawang senador na nakarecover mula sa COVID-19.