Thursday, May 2, 2024

Seguridad sa Traslacion 2020 kasado na —NCRPO spox

- Advertisement -

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa tradisyonal na Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa Huwebes, ika-9 ng Enero.

Ito mismo ang tiniyak ni NCRPO Spokesperson Pol. Major Britz Estadilla kung saan puspusan na aniya ang paghahanda ng pulisya para matiyak ang kaligtasan ng milyun-milyong deboto na inaasahang lalahok sa taunang Traslacion.

Sinabi pa ni Estadilla na nais pang dagdagan ni NCRPO Dir. Brig. Gen. Debold Sinas ang 10,000 pulis na ipakakalat sa ruta ng Traslacion.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Estadilla na wala naman silang namomonitor na anumang banta sa seguridad, ngunit patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa Traslacion.

Sa ngayon, wala naman kaming natatanggap na kahit anong pagbabanta sa seguridad para sa gaganaping Traslacion,” ani Estadilla. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img