Sec.Lopez nanindigan ito na hindi na kailangan pang talakayin sa Asean Summit ang naturang isyu sa Recto Bank

0
52

Hindi na kailangan pang talakayin sa Asean Summit ang nangyaring insidente sa Recto Bank kung saan nabangga ng Chinese Vessel ang bangkang pangisda ng mga Filipino.

Ito’y ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kung saan nanindigan ito na ang naturang isyu ay sa pagitan lamang ng Pilipinas at China.

Anya, mas makabubuti na hintayin na lamang ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente upang maiwasan ang anumang di pagkaka-unawaan sa pagitan ng 2 bansa.

Bahagi naman si Lopez ng delegado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 34th Asean Summit sa Thailand.