Mga biyahe sa abroad ng DOJ Executives possible nang malimitahan

0
42

Posible nang malimitahan ang pag-biyahe sa ibang bansa ng mga opisyal at kawani ng DOJ o Department Of Justice.

Ito ay batay sa naging rekomendasyon ng COA o Commission On Audit matapos masilip ang Foreign Travels ng mga opisyal ng DOJ.

Dahil dito, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na maari ring limitahan ang pagdalo nila sa mga International Conference.

Paliwanag pa ng kalihim, ang pagbiyahe nila sa ibang bansa ay para sa mga pandaigdigang pagpupulong gaya na lamang ng mga sesyon sa U.N. Agencies, Asean Regional Meetings at Bilateral Negotiations on Legal Cooperations.

Matatandaang, sa inilabas na ulat ng COA pumalo sa 6 point 19 million pesos ang nagastos ng DOJ para sa mga Foreign Travels noong 2018.