Sec.Guevarra inatasan ang DFA na imbestigahan ang nangyari kay Sec.Del Rosario sa Hong kong

0
47

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang DFA o Dept. of Foreign Affairs na imbestigahan ang nangyaring pagharang kay dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario sa Hong Kong International Airport.

Ayon kay Guevarra, ipinag-utos na niya sa DFA na alamin ang rason ng pagharang ng mga otoridad sa Hong Kong kay Del Rosario at ibigay ang anumang tulong na kailangan ng dating kalihim.

Matatandaang, si Guevarra ang itinalagang Officer-in-Charge sa pamahalaan, habang dumadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th Asean Summit, mula Hunyo 21 hanggang 23, sa Thailand.