9 na drug suspects iniharap sa media ng NBI

0
54

Iniharap na sa Media ng NBI o National Bureau of Investigation ang naarestong 9 na drug suspects sa ikinasang operasyon malapit lamang sa Malacañang.

Ayon kay Atty. Ross Jonathan Garcia, Hepe ng nbi—Task Force Against Illegal Drug Trade, isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon kasama ang Presidential Security Group.

Kinilala ang mga suspect bilang sina Leonardo Asa, Bryan Batrina, Rolando Laya, Esperanza Pido, Melvin Santiago, Freddie Nacion Jr., Joan Garcia, Sulpico Castilles Jr., at Ronnie Gonzalo Lao.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naturang suspek.