Sec. Del Rosario sa ginawang pagharang ng Hong Kong International Airport itinuturing na isang pang haharass

0
55

Itinuturing ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na isang pang-haharass ang ginawang pag-harang sa kaniya sa Hong Kong International Airport.

Ito ang binigyang diin ng dating kalihim sa ginawang pagharang sa kaniya ng mga Airport Authorities dakong  7:40 ng umaga kahapon sa naturang paliparan.

Ayon kay Del Rosario, nalabag ang kaniyang karapatan dahil hindi makapag bigay ng maayos na rason ang mga Hong Kong Immigration Officers kung bakit hindi siya hinarang ng mga ito.

Kasabay nito, inihayag rin ni Del Rosario na halos 6 na oras siyang nanatili sa isang pasilidad sa paliparan at sumailalim sa pagtatanong ng Immigration Officers sa Hong Kong.

Samantala, 4:59 rin naman kahapon nang makabalik ito sa bansa.