Sen.Gordon pinuna ang kawalan ng respeto ng otoridad sa Hong Kong sa ginawa kay dating Sec.Del Rosario

0
58

Pinuna ng isang Senador ang kawalan ng respeto ng mga otoridad sa Hong Kong dahil sa ginawa nitong pagharang kay dating Foreign Affairs Sec. Albert del rosario.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, maituturing na harrassment ang ginawa ng mga ito kay Del Rosario.

Anya, hindi rin mai-a-alis ang pag-dududa na may kinalaman ang hakbang na ito ng Hong Kong authorities sa naging pahayag ng dating kalihim ukol sa nangyaring insidente sa Recto Bank.

Samantala, umaasa naman si Gordon na hindi na mauulit pa ang ganitong pangyayari, at hindi masisira ang matagal nang magandang relasyon ng pilipinas at china.