Kinatigan ng Korte Suprema ang hirit ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang operasyon ng transport network application na Angkas.
Sa naging resolusyon ng Supreme Court (SC), binaliktad nito ang naunang desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) Branch 213 na pagbawalan ang LTFRB na hulihin ang operasyon ng Angkas.
Kaugnay nito, nagpalabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) sa pipigil sa nasabing desisyon ng lower court at ibalik ang kapangyarihan ng LTFRB na hulihin ang mga Angkas bikers.
Inatasan din ng katas-taasang korte ang angkas na magsumite ng kanilang komento sa loob ng sampung (10) araw.