Pansamantalang itinigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang towing operations.
Ayon kay MMDA Traffic Head Bong Nebrija, napuno na kasi ng mga sasakyan ang impounding area sa Tumana, Marikina.
Ngunit nilinaw ni Nebrija na hindi ibig sabihin nito ay libre na ang mga colorum at illegally parked vehicles.
Aniya, maari pa ring maticketan ng makailang ulit ang mga sasakyan na mahuhuling lumalabag sa mga batas trapiko.
“Hinay-hinay muna tayo yung i-totow na lang naming yung stalled vehicle or mga walang lisensya na nagmamaneho sa kalsada. Yung illegal parking is not super priority as far as concerned.” Pahayag ni Nebrija.
Samantala, naghahanap na ang MMDA ng ibang lugar na maaring paglagakan ng mga mahihilang sasakyan.
“We’re trying to come up with an agreement with the Laguna Lake Development Authority kasi po meron din po sa side nila na bakanteng lote na pwedeng gamitin.” Dagdag ni Nebrija.