Balangiga Bells maaaring masilayan ng publiko sa PH Air Force Museum sa Pasay

0
47

Maaari nang masilayan ng publiko ang makasaysayang Balangiga Bells na nakalagak ngayon sa Philippine Air Force Museum sa Pasay City.

Matatandaang kahapon ay nai–turn over na ng Amerika ang tatlong (3) kampana ng Balangiga matapos ang higit isang daang (100) taong pagkawalay nito.

Maagang dumating sa museum ang grupo ng mga estudyante mula sa Siniloan, Laguna na nagnanais na masilayan ang mga kampana.

Mananatili ang mga kampana sa naturang museo habang hindi pa ito inililipad pabalik sa Balangiga.

Maaaring bisitahin ang AFP Musuem alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon lalo pa’t libre ang entrace dito.