SC justices bumoto na sa mga nominado para sa CJ post

0
46

Napagkasunduan na ng mga mahistrado ng Korte Suprema na gawin ang pagboto sa mga nominado para sa bakanteng posisyon ng pagka-Punong Mahistrado.

Batay sa impormasyon na nakalap ng DWIZ Patrol, nanguna sa botohan si Associate Justice Lucas Bersamin na nakakuha ng 10 votes, sinundan ito nina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Diosdado Peralta na kapwa nakakuha ng 9 votes, habang dalawang boto naman ang nakuha ni Associate Justice Andres Reyes.

Ang nasabing resulta ay ipapadala naman ng Korte Suprema sa Judicial and Bar Council o JBC para maging basehan sa  isasagawang pagpili sa lahat ng mga nominado.

Una nang itinakda ng JBC ang kanilang deliberasyon para punan ang bakanteng posisyon sa Korte Suprema sa darating na Agosto 3.—By Aiza Rendon

 (Ulat ni Bert Mozo)