Kapatid sa ama ni MPD Director Anduyan timbog sa buy bust sa Iligan

0
43

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang half-brother ni Manila Police District Director Chief Superintendent Rolando Anduyan sa Iligan City.

Ayon kay PDEA Region 10 Director Wilkins Villanueva, itinuturing na high value target at pangalawa sa drug watch list sa Iligan City si Antonio Quiros Jr. alyas Zuye na kapatid sa ama ni MPD Director Anduyan.

Kasabay nito, tiniyak ni MPD Director Anduyan na hindi niya kukonsentihin at pakikialaman ang kaso ng kapatid.

Paglilinaw ni Anduyan, bagama’t totoong kapatid niya si Zuye, hindi naman aniya sila close at hindi lumaking magkasama dahil iba aniya ang nanay nito.

Iginiit pa ni Anduyan, kahit anak pa niya ang masangkot sa iligal na droga o anumang krimen ay hindi niya ito kukonsentihin at hahayaan itong managot sa batas.

(Ulat ni Aya Yupangco)