SC ibinasura ang petisyon ng Ayala Land Inc. kaugnay sa 2007 mall blast

0
50

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng ayala land incorporated sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na kumakatig sa pasya ng Makati Regional Trial Court (RTC) 65.

Nais ng Ayala Land na panagutin ang insurance company sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2 nuong 2007.

Magugunitang Enero nuong nakalipas na taon nang ibasura ng Makati RTC ang hirit ng ayala land na specific performance and damages labans a Standard Insurance Company Incorporated.

Binigyang diin ng high tribunal na sa ilalim ng rule 45 ng rules ng court na hindi na nito sinasaghot ang factual issues at mas binibigyang bigat at nirerespeto nila ang pasya ng RTC lalo na kung ito ay sinasang ayunan ng CA.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi maaaring makuha ng Ayala sa insurance company ang danyos sa ilalim ng commercial all risk collective policy.

Sa panuntunan ng insurance company, hindi sakop ng polisiya nila ang naganap na pagsabog sa Glorietta 2 at tanging ang inaako lamang ng kumpanya ay sudden at accidental physical destruction.

Hindi rin sagot ng kumpanya ang anumang damage o destruction dahil sa excluded risk tulad ng polusyon, digmaan, invasion, act of foreign enemy, hostilities o warlike operations, munity at acts of terrorism.