Illegal recruiter timbog sa Muntinlupa

0
49

Arestado ang umano’y illegal recruiter na nagbibiktima ng mga nagnanais magtrabaho sa Israel.

Kinilala ang suspek na si Risony Dizon sa ikinasang entrapment operation ng pulisya Sa Muntinlupa City.

Ayon kay CIDG-Anti Transnational Crime Unit Chief Supt. Roque Merdegia Jr., pinapangakuan ng suspek na si Dizon ang kanyang mga biktima ng trabaho bilang caregiver sa Israel kung saan aabot anito ang sahod sa P75,000 kada buwan.

Batay aniya sa reklamo ng mga biktima, ginagawa ng suspek ang kanyang pagrerecruit sa pamamagitan ng social media at Instagram.

Dagdag ni Merdegia, modus ng suspek angp hikayatin ang kanyang mga biktima na agad magbayad ng placement fee para agad na makaalis.

Ipinagharap na ang suspek sa kasong may kinalaman sa illegal recruitment at large scale estafa.