Grupo sumugod sa Kamara para igiit ang agarang pag-aresto kay Gng. Marcos

0
54

Sumugod sa Kamara ang mga miyembro ng grupong Selda para igiit ang agarang pagpapakulong kay dating unang ginang ngayo’y Congresswoman Imelda Marcos.

Iginiit ng human rights victims mula sa Cagayan at Isabela na walang dahilan para manatiling malaya ang dating first lady matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan sa pitong bilang ng kasong graft.

Layon din nang pagtungo sa Kamara ng mga miyembro ng selda na makipag-diyalogo sa Makabayan Bloc para ipakulong na ang dating unang ginang.