Pinahintulutan na ng Korte na makapagpiyansa sina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo, ACT Teachers Party-list Representative France Castro, at labing-anim na iba pa matapos maaresto kamakailan sa Talaingod, Davao Oriental dahil sa kasong kidnapping at human trafficking.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, na nagtungo sa Tagum City Hall of Justice, nag-isyu na ng supplemental order ang hukuman para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Gayunman, nakatanggap umano ng impormasyon si Zarate na pinipigilan daw ng Philippine National Police na makapaghain ng piyansa ang grupo ni Ocampo.
Sinabi naman ni region 11 Police Director Chief Supt. Marcelo Morales, na maglalabas sila ng official statement hinggil sa nasabing usapin.
Release Order para kina Ex-Cong.Satur Ocampo,Cong.France Castro et al nilabas ng Korte matapos mag-bail.Sila ay pansamantalang pinalaya ng Judge habang pending ang mga kaso @dwiz882pic.twitter.com/GMcFEJxe3A
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) December 1, 2018
DFA Sec. Locsin, ipinagtanggol si Satur Ocampo
Ipinagtanggol ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo, at tinawag na “kahangalan” ang ginawang pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa kanya at sa mga kasamahan nito.
Ayon kay Locsin, naniniwalaan siya kay Satur dahil kilala umano niya ito at kanya na itong naipagtanggol sa Kongreso laban sa anumang pag-aresto.
Nanungkulan si Locsin bilang makati 1st district representative mula noong 2001 hanggang 2010.
Samantala, pinamunuan ni Ocampo ang bayan muna party-list group simula 2001 hanggang taong 2007 at naging meyimbro sya house of representatives, at naging deputy minority leader noong 14th congress.
Inaresto at ikinulong ng PNP sina Ocampo, ACT Teachers Party-list Representative France Castro, at labimpitong iba pa noong Huwebes sa Talaingod, Davao del Norte.
Noong Biyernes naman pormal na sinampahan ng kasong trafficking at kidnapping sina satur makaraang mahuli na may mga kasamang menor de edad na mga lumad na mula sa Davao del Norte.
Nakapag-piyansa naman kahapon sina Ocampo at mga kasamahan nito upang pansamantalang makalaya.