29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Palasyo pinaninindigan ang reassignment order kay Espenido

- Advertisement -

Naniniwala ang Malacañang na taga-suporta ng mga drug syndicate ang grupo ng Concerned Ozamiz Professionals o COP na tumututol sa pagbabalik ni Supt. Jovie Espenido sa Ozamiz City Police.

Matatandaang inilipat ng assignment si Espenido matapos nitong pamunuan ang isang drug operation na nagresulta sa pagkamatay ng labing limang katao, kabilang na ang hinihinalang narco-politician na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, walang dahilan upang bawiin o i-revoke ang reassignment order ni Col. Espenido para muling pamunuan ang Ozamiz PNP.

Kinwestyun naman ng tagapagsalita ng Palasyo ang biglaan na lamang na paglutang ng grupong ‘COP’ na bumabatikos sa kautusang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang sinabi ng Pangulo, na nagdesisyon siyang ibalik sa naturang lungsod si Espenido dahil sa mga natatanggap niyang impormasyon na muli na namang lumala ang operasyon ng iligal na droga doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -