29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Korean national arestado matapos mahulihan ng gambling money

- Advertisement -

Nakaditene ngayon sa Ninoy Aquino International Airport ang 35 anyos na Korean national na si Kim Junheon, matapos matuklasan ang halos apat na milyong Hong Kong dollar na itinago nito sa kanyang luggage at hinihinilang gambling money.

Kinwestiyon naman ni Atty. Michael Mosquite, abogado ni Junheon, ang ginawang pag-aresto ng mga Custom officers sa kanyang kliyente na nakatakda nang isailalim sa inquest proceedings.

Ayon kay Mosquite, wala umanong naipakitang mga dokumento ang mga tauhan ng Customs hinggil sa posibleng kasong maaring isampa sa Korean national.

Batay sa ulat, nasa kustodiya na ng Bureau of Customs si Kim simula pa nang dumating ito sa bansa mula sa Hong Kong noong Biyernes ng gabi, lulan ng Philippine Airlines.

Sinabi naman ni Atty. Marlon Agaceta, head ng customs legal department, hindi umano sinunod ng dayuhan ang instruction ng Customs x-ray operator’s na idaan sa x-ray examination ang bitbit nitong hand-carried luggage, dahilan upang pigilan itong makalabas ng airport.

Agad namang sinuri ng mga awtoridad sa pamamagitan ng x-ray machine ang dalang gray luggage ni Kim at dito natuklasan ang black mass na naglalaman ng halos apat na milyong Hong Kong dollars.

Pahayag ni Agaceta, nahaharap si Kim sa kasong unlawful importation of foreign currency at paglabag sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ukol sa mahigpit na pagbabawal sa mga pasahero na magdala ng foreign currency ng mahigit sampung libong dolyar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -