Sara at Paolo Duterte nakipagkita sa 3 kongresistang tumatakbo sa pagka House speaker

0
45

Nakipagkita sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte sa tatlong kongresista na tumatakbo bilang House speaker.

Ayon kay Paolo Duterte, naging maayos at maganda ang kanilang pakikipag-usap kina Rep. Martin Romualdez, Rep. Lord Allan Velasco at Rep. Alan Peter Cayetano kung saan tinalakay umano nila ang mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng bansa.

Naganap ang nasabing paghaharap matapos ianunsyo ni Pulong ang pag-atras sa speakership race sa Kamara.

Una nang sinabi ni Pulong na nagdesisyon siyang wag nang ituloy ang planong pagtakbo bilang House speaker makaraang makausap aniya ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes.