Chinese fisherman nakitaan ng malinaw na paglabag sa Recto Bank incident — PCG-MARINA

0
46

Hindi na nagawa pang makaiwas ng barko ng China kaya’t bumangga ito sa bangka ng mga Filipino fisherman na naka-angkla sa Reed Bank na bahagi ng West Philippine Sea noong Hunyo 9.

Nakasaad ito sa 13 pahinang joint investigation report ng Philippine Coast Guard o PCG at Maritime Industry Authority o MARINA na ipinasa sa Malakanyang noong Hunyo 20.

Base sa rule 18 ng Collision Regulations or Convention on the International 4egulations for Preventing Collisions at Sea o COLREG, kailangang iwasan ng tinatawag na power-driven vessel tulad ng Chinese vessel,ang mga bangkang nakahinto o walang kakayahang umiwas.

Nakasulat din sa report ang pagkakamali ng mga Chinese crew na tulungan ang mga pilipinong mangingisda na kanilang iniwan at inabandona sa gitna ng karagatan.

Ayon sa PCG-MARINA report, dahil sa ginawang pag-atras at pagtigil sa 50 metrong layo mula sa GEM-VER 1 na noo’y may mga nakasinding ilaw, malinaw aniya na batid ng Chinese fisherman na lulubog na ang bangka ng mga Pinoy.

Patunay lamang umano ito na bigo ang barko ng China na sundin ang regulasyon ng United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) at International Convention for the Safety of Life at Sea (SOLAS).

Sinabi rin sa report na “very serious marine casualty” ang nangyaring insidente taliwas sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit nakasulat rin dito na may mga pagkakamali rin ang mga Filipino crew dahil sa kabiguang magtalaga ng look-out, pagkakaroon ng chief engineer officer na hindi lisensyado, overloaded, expired BFAR commercial fishing vessel/gear license at expired narin ang kanilang BFAR certificate of clearance.