Davao Archbishop Valles muling nahalal bilang Pangulo ng CBCP

0
41

Muling manunungkulan sa 2 termino sa CBCP o Catholic Bishop’s Conference Of The Philippines si Davao Archbishop Romulo Valles

Ito’y matapos muling mahalal si Valles sa 119 na Plenary Assembly ng CBCP na ginawa sa Pope Pius Xii Catholic Center sa lungsod ng Maynila

Dahl dito, si Valles din ang mangunguna sa makasaysayang pagdiriwang ng Quincentennial o ang 500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021

Magugunitang nuong 2017 nang unang mahalal si Valles bilang Pangulo ng maimpluwensyang kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas na binubuo ng 134.