Sapat na suplay ng kuryente para sa darating na 2019 midterm elections pinatitiyak

0
44

Pinatitiyak ng isang mambabatas sa DOE o Department of Energy ang sapat na suplay ng kuryente sa darating na 2019 midterm elections sa Mayo 13.

Ito’y ayon kay Congressman Lord Allan Velasco, Chairman ng House Commitee on Energy kaugnay ng umiiral na yellow at red alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Paliwanag ni Velasco, dapat tiyakin ng DOE na sapat ang suplay ng kuryente upang maiwasan ang anumang power outages.

Aniya, ito na rin ay upang matiyak na walang mangyayaring ano mang dayaan sa darating na halalan.

Samantala, pinawi naman ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang pangamba ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ng NGCP na wala silang isasagawang maintenance work isang linggo bago ang midterm elections at sa mismong araw ng halalan upang masiguro na hindi maaapektuan ang mga power transmission systems.