Panukalang itaas sa 710 pesos ang minimum wage sa Metro Manila dapat pag-aralan —- Lacson

0
81

Maraming dapat ikunsidera sa panukalang itaas sa 710 pesos mula sa kasalukuyang 537 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson kaya’t mahalagang dapat dumaan sa masusing pag-aaral ang nabanggit na panukala at panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP.

Makabubuti anyang bigyan ng sapat na flexibility ang regional wage boards sa usapin ng suweldo dahil sila ang nasa posisyon para magpasya sa mga panukalang umento sa sahod.

Ipinunto ng senador na karaniwang may kaakibat na inflation ang pagdaragdag sa sahod dahil nagre-resulta ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa manufacturing sector.

Maaari din itong magbunga ng pagkawala ng trabaho ng ilang manggagawa kung hindi kakayanin ng isang kumpanya ang malaking dagdag sahod ng kanilang mga empleyado.

(with report from Cely Ortega- Bueno)