Lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon patuloy na nababawasan

0
39

Patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon.

Ito ay matapos bumagsak sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam, kahapon.

Batay sa pinaka-huling ulat ng PAGASA, pumalo na ngayon sa 173.52 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan mas mababa ito sa 180 meters na low operating level.

Kaugnay nito, hindi naman nabawasan ang antas ng tubig sa La Mesa Dam kung saan nanatili ito sa 68.45 meters na water level.

Samantala, bumagsak rin naman ang lebel ng tubig sa Pantabangan at San Roque dam habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao at Magat Dam.