Saturday, May 4, 2024

Sangkap sa paggawa ng shabu nasabat sa Pasig City

- Advertisement -

Aabot sa 650 kilos ng sangkap sa paggawa ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa J3N3 Parking Area, Garnet St. malapit sa kanto ng Julia Vargas, Brgy. San Antonio, Ortigas, Pasig City.

Nakuha ang mga kemikal sa loob ng isang kulay puting van kung saan tinatayang aabot sa P2.4 billion halaga ng shabu ang mabubuo dito.

Ayon kay NCRPO Chief Police Dir. Guillermo Eleazar, unang naaresto ang Tsinoy na si Marvin Yu sa hiwalay na operasyon ng mga pulis sa Caloocan.

Naging dahilan ito upang ituga ni Yu si Jeong Hee Kim, Korean national, na sinasabing chemist.

Pinuntahan ang parking area sa lugar kung saan nakaimbak ang mga kemikal habang nadakip din si Kim.

Sinasabing 18 araw nang nakaparada sa lugar ang puting van at nagbabayad ito ng parking fee para manatili roon.

Inaalam pa kung miyembro ng isang malaking sindikato ang mga naturang suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img