31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Paggunita sa Bonifacio Day sasabayan ng kilos protesta

- Advertisement -

Kasado na ang kilos protesta ng ilang grupo ng mga manggagawa kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day bukas.

Kagabi, sinimulan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ibang pang kasamang grupo nito ang pag-oovernight sa bahagi ng Mendiola sa Maynila.

Tatagal ang mga grupo sa Mendiola hanggang bukas kung saan sisimula naman nilang ang pagmamartsa patungo sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros.

Ayon kay KMU Chairperson Elmer Labog, hindi sila aalis ng Mendiola hangga’t walang maipapangakong diyalogo ang Malakanyang o DOLE sa mga manggagawa.

Dagdag ni Labog, bukod sa hiling na regularisasyon at omento sa sahod, hiling din nila ang matigil na ang tumitinding militarisasyon partikular sa Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -