Shortlist para sa susunod na CJ ng SC inilabas na ng JBC

0
49

Inilabas na ng Judicial Bar and Council (JBC) ang shortlist para sa susunod na chief justice ng Korte Suprema.

Pasok ang limang aspirante na kinabibilangan nina acting Chief Justice Antonio Carpio, associate justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe, and Andres Reyes Jr.

Nakakuha sina Carpio, Peralta, Lucas at Bersamin ng tig anim na boto habang limang boto naman ang nakuha ni Reyes.

Kaugnay nito, inaasahan na simula ngayon hanggang sa susunod na linggo ay maitatalaga na ang bagong punong mahistrado ng kataas taasang hukuman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(with report from Bert Mozo)