Saturday, May 4, 2024

San Agustin Church at 3 pang simbahan posibleng matanggalan ng World Heritage status

- Advertisement -

Pinangangambahan ng ilang cultural heritage advocates ang posibleng pagtanggal sa World Heritage status ng San Agustin Church at tatlo pang simbahan, kaugnay ng pagpapatayo ng Fil-Chinese frienship bridge sa pagitan ng Binondo at Intramuros, Manila.

Ayon kay Maria Cecilia Sunico, isang cultural heritage advocate, tatamaan ang ‘buffer zone’ ng San Agustin Church, na itinalagang world heritage site ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Matatandaang una nang nagbabala ang UNESCO sa National Commission of Culture and Arts (NCCA), na kapag naalis ang World Heritage status ng San Agustin church damay rin ang St. Augustine Church sa Paoay, Ilocos Norte; Nuestra Señora Church sa Ilocos Sur; at Sto Tomas De Villanueva Church sa Iloilo.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang NCCA at DPWH hinggil sa usapin na ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img