35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

‘Samuel’ bahagyang humina matapos mag-landfall

- Advertisement -
(5AM Update)

Bahagyang humina ang bagyong Samuel habang tinatahak ang bahagi ng Daram, Samar.

Batay sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Samuel sa bisinidad mismo ng Daram Samar matapos itong mag-landfall sa Borongan City kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Taglay ng bagyong Samuel ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanging aabot sa 80 kilometro kada oras.

Bahagya rin itong bumilis sa 25 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran.

Nananatili namang nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa labing pitong (17) lalawigan kabilang ang Masbate kasama ang Ticao Island, Romblon, Southern Oriental Mindoro, Southern Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands.

Gayundin sa mga bayan ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.

Patuloy ding pinapaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa Western Visayas, Bicol Region, Mimaropa at Southern Quezon partikular sa mga malalapit sa ilog, bundok at low lying areas sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng inaasahang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa nabanggit na mga lugar.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -