Safe conduct pass ng NDF wala nang bisa

0
44

Wala nang bisa ang safe conduct pass na hawak ng mga leaders at consultants ng NDF o National Democratic Front.

Dahil dito, sinabi ni Brigadier General Edgard Arevalo, spokesman ng Armed Forces of the Philippines na maaari nang arestuhin ang sinumang may hawak ng safe conduct pass.

Ayon kay Arevalo, nawalan na ng saysay ang safe conduct pass matapos na tuluyang ikansela ng pamahalaan ang peacetalks sa CPP-NDF.