Petisyon para sa ‘zero singil’ sa Manila Water pinaikot sa paggunita sa World Water Day

0
49

Umiikot ngayon ang petisyon para sa zero singil ng Manila Water ngayong Marso o sa panahong nawala ang suplay ng tubig sa ilang nasasakupan ng Manila Water company.

Ang petisyon ay pina ikot ng Akbayan kaalinsabay ng paggunita sa World Water Day.

Naglagay ng mga puwesto ang grupo sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng kawalang tubig mula sa Manila Water upang magpa pirma ng petisyon.

Nakapaloob sa petisyong may pamagat na “Palpak Na Serbisyo, Singil ay I-Zero” ang sumusunod:

Huwag nang singilin ang mga apektado ng krisis sa tubig ngayong Marso; Hindi rin dapat singilin ang minimum charge mula sa simula ng krisis sa tubig; Danyos sa perwisyo sa kalusugan ng mga pasyente sa mga naapektuhang ospital at pagbibigay ng prayoridad na serbisyo sa mga ordinaryong kabahayan at maliliit na negosyo.

Sa Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City na sinasabing pinaka naperwisyo ng kawalan ng tubig, hindi lamang para sa buwan ng Marso ang hinihiling nilang i zero ang singil.

Nais ng mga tiga Barangay Barangka Ibaba na ibalik lang ng Manila Water ang paniningil kapag bente kwatro oras na uli ang serbisyo ng tubig.