Isang advocacy group umapelang ipatigil ang reclamation projects sa Manila Bay

0
60

Umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Oceana, isang advocacy group na ipatigil ang reclamation projects sa Manila Bay.

Sa harap ito ng pagkaka diskubre di umano ng bagong sardine specie sa Manila Bay.

Tinukoy ni Oceana Philippines Vice President Gloria Estenzo Ramos ang journal article ng mga Japanese taxonomists na ang bagong specie ng sardinas ay matatagpuan lamang sa Pilipinas.

Sinabi ni Ramos na kinilala rin ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Manila Bay bilang itlugan ng sardinas.

Binigyang diin ni Ramos na ang pagkaka diskubre ng bagong specie ng sardinas sa Manila Bay ay isang katunayan na buhay at mayaman ang ecosystem ng Manila Bay.


Kasado na ang peoples summit on reclamation sa Marso 26 at 27.

Ang pulong na pangungunahan ng advocacy group na Oceana ay dadaluhan ng mga siyentipiko, legal experts, urban poor at coastal communities sa Manila Bay.

Naniniwala ang Oceana na ang reclamation projects ay paglabag sa karapatan ng mamamayan sa ilalim ng konstitusyon para sa balanse at malusog na ecology.

Sa kasalukuyan, dalawang large scale reclamation projects ang humihingi ng permit para I develop ang ilang bahagi ng Manila Bay.

148 hectares ang nais na i-reclaim ng solar city reclamation project samantalang 318 hectares ang sa waterfront city reclamation project.