36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

SAF troopers ikakalat sa mga lugar na laganap ang ‘lawless violence’

- Advertisement -

Ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Special Action Force (SAF) sa mga rehiyong tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na laganap ang “lawless violence”.

Ipinag-utos ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang deployment ng isandaang (100) SAF troopers sa bawat lugar na binanggit sa Memorandum Order 32.

Ang mga ito ay ang Bicol Region, Samar Provinces, Negros Occidental at Oriental kung saan napakalaki ng presensya ng New People’s Army (NPA).

Gayunman, nilinaw ni PNP Spokesman, Chief Supt. Benigno Durana Jr. na maaaring mabago ang bilang ng mga ide-deploy nilang police commando depende sa magiging resulta ng pulong nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -