29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Bulkang Mayon dalawang beses nagbuga ng abo ngayong araw

- Advertisement -

Dalawang beses nagbuga ng abo ang bulkang Mayon sa Albay ngayong araw.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Director Renato Solidum, naganap ang dalawang phreatic eruption sa pagitan ng alas-7:59 hanggang alas-8:05 kaninang umaga.

May taas ang ibinugang abo ng mayon ng tatlongdaan (300) hanggang limandaang (500) metro.

Sinabi ni Solidum na mahigpit nilang binabantayan ang aktibidad ngayon ng bulkang Mayon na kasalukuyang nasa alert level 2.

Pinapayuhan naman ang publiko na huwag pumasok sa 6 kilometer permanent danger zone para sa kanilang kaligtasan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -