33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

21 katao patay dahil sa tigdas sa Sarangani

- Advertisement -

Dalawampu’t isa (21) na ang patay sa pagkalat umano ng tigdas sa ilang liblib na lugar sa bayan ng Malapatan, Sarangani.

Pinaka-apektado ang Barangay Upper Suyan kung saan nasa isandaang (100) katao na ang nagkasakit kabilang ang dalawampu’t isang (21) nasawi simula pa noong Nobyembre 5.

Ayon kay Upper Suyan Barangay Chairman Boyet Ogan, nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng tigdas sa Sitio Datal Nai, Alna, Lower Kyogam, Upper Kyogam, Mahayag at Lino.

Samantala, nilinaw ni Malapatan Municipal Health Officer Diomedes Remitar na bineberipika pa kung tigdas ang sanhi ng pagkamatay at pagkakasakit ng mga residente sa mga nabanggit na lugar.

Nahihirapan aniya silang makakuha ng impormasyon dahil liblib at napakalayo ng mga nasabing sitio.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -