Sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihang tanggapang ng NIA-CAR nagbigay ng rosas at tsukulate ang namumuno sa mga kababaihan na empleyado

0
3

(Baguio City-La Trinidad, Benguet) Nakatanggap ng bulaklak na rosas at tsukulate ang mga babaeng empleyado ng National Irrigation Administration – Cordillera kamakailan lamang.

Ibinigay mismo ito nila NIA-CAR Regional Manager Engr. Benito Espique Jr. at si Engineering and Operations Division Manager Raymundo Calusin. Ang dalawang opisyal ay umikot sa iba’t ibang opisina ng NIA-CAR regional offices kasama ang Benguet Satellite Office. Kasabay nito ang pagbati sa mga babaeng empleyado.

Ang nasabing hakbang ay ang pakikiisa ng NIA-CAR sa pagdiririwang ng International Women’s Day.

Ang tema ng Women’s Month Celebration ngayong taon ay WE for Gender Equality and inclusive society.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

(Photo credit to NIA-CAR file)

Leave a Reply